🥊FIGHT ANALYSIS: GARY RUSSELL Jr KINALAWANG NA! MARK MAGSAYO GAGAMIT ng LAKAS ng KAMAO kahit DEHADO!

Смотреть онлайн

Опубликовано: 2022-01-18
Продолжительность: 08:53
Malaking hamon ang haharapin ng ating kababayang si Mark Magnifico Magsayo sa napipinto nitong laban kontra sa kasalukuyang WBC Featherweight champ Gary Russell Jr.
75 sa isang daang mga boxing fans ang nagsasabi na lalampasuhin lang ni Russel ang ating kababayan at ang natitirang 25 katao ay naniniwala naman sa kakayahan at abilidad ni Magsayo.

Kay tara mga parekoiz , balikan natin ang huling 3 laban ng dalawang boksingero at kayo na ang humusga kung makatotohanan ba na maging dehado si Magnifico.

Gary Russell Jr vs Tugstsogt Nyambayar
Nabigo man ang kanilang kababayan, masaya pa din ang mga dumayong Mongolian boxing fans sa ipinakitang puso ng kanilang pambatong si Tugstsogt Nyambayar kontra sa WBC Featherweiht king Gary Russell Jr noong ika 8 ng Pebrero taong 2020 sa PPL Center in Pennsylvania.
Bitbit ni Nayambayar ang kanyang undefeated record at Olympic silver medal ngunit hindi ito naging sapat sa husay ni Russell Jr.
Ipinakita ni Russell ang kanyang ring generalship sa laban, samahan mo pa ng malupit sa distansya, bilis ng kamao at mataas boxing IQ kaya matagumpay na nadepensahan ni Russell ang kanyang titulo sa ikalimang pagkakataon.
Ipinakita din naman ni Nayambayar ang kanyang tigas pero kinapos lang dahil mas maganda ang taktika at game plan ng kampo ng kampeon.
After ng full 12 rounds, nakuha ni Russell ang puso ng 3 hurado na pumabor via unanimous decision victory for Russell sa scores na 118-110, 116-112 at 117-111.

Mark Magsayo vs Julio Ceja
Masasabi ko na siguradong nakatatak na sa puso at isip ng mga pinoy boxing afficionados ang nakaka-bilib na ring performance ng ating kababayang si Mark Magnifico Magsayo ng literal na patulugin ang Mexican slugger na si Julio Ceja ng magbakbakan ang dalawa bilang undercard sa Pacquiao vs Ugas noong August 21, 2021 sa T-Moblie Arena in Las Vegas Nevada.
Pinabagsak ni Magsayo si Ceja sa round 1 gamit ang lead left hook.
Pero nakarekober agad itong si Ceja at na domina ang mga sumunod na rounds ng targetin ang bodega ng ating kababayan.
Pagdating sa 5th round binayo ng binayo ni Ceja ang bread basket ni Magsayo na dahilan upang bumukas ang depensa sa panga ng boholono boxer.
Isang left hook ang tumama sa panga at nagpabagsak kay Magsayo sa final seconds ng 5th round.
Kailangang humanap ng paraan si Magnifico para maisalba ang laban dahil unti-unti ng lumalayo sa kanya ang panalo.
After 9 rounds, lamang na nga si Ceja sa tatlong hurado na pumuntos ng 86-83, 87-82 at 86-83.
Kung pagbabasehan natin ang scores ng mga judges – pag nakuha ni Magsayo ang 3 huling rounds, draw lang ang score ng dalawang judges at talo pa din siya sa isang judge.
Kaya pagdating ng 10th round – ibinuhos na talaga ni Magsayo ang dugot at pawis na kanyang naging puhunan mula sa matinding paghahanda at training.
Isang quick one-two ang nagpatumba kay Ceja sa lubid na sinundan pa ng isang kanan para tuluyang mawalan ng malay ang Mexican slugger.
Ang verdict, 10th round knockout victory para kay Magsayo at nakuha ang WBO Interim Featherweight belt at ang ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang maging # 1 contender at mandatory challenger sa WBC Featherweight crown ni Gary Russell Jr.

Sa paghaharap nina Mark Magsayo at Gary Russell Jr
Bitbit ni Magnifico ang kanyang undefeated record kontra sa beteranong numero ni Russell Jr.
Mas bata ng 7 taon ang ating kababayan at may bitbit din na height and reach advantage.
Kumbaga ang mangyayari sa pagtatapat ng dalawa e, lakas kontra sa bilis.
Si Magsayo ay may 70% ko percentage samantalang 58% lamang ang kay Russell
Pero ang nasisilip kong malaking kalamangan ni Magnifico ay ang kanyang pagiging aktibo sa ibabaw ng lona.
Sapagkat halos magdadalawang taon ng nabakante itong si Gary Russell Jr, dahil ang kanyang huling laban ay noon pang ika 8 ng Pebrero taong 2020.

Ano sa palagay niyo mga parekoiz?
I koment ang inyong prediksiyon sa magiging biggest test o masasabi nating make or break sa boxing career ni Mark Magsayo.
Credit Music
Song : Mortals
Artist : Warriyo, Laura Brehm
Licensed to YouTube by : AEI (on behalf of NCS); UNIAO BRASILEIRA DE EDITORAS DE MUSICA - UBEM, LatinAutor, LatinAutorPerf, Warner Chappell, Featherstone Music (publishing), LatinAutor - Warner Chappell, and 5 Music Rights Societies
Fair Use

Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, education and research.

Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.

#SPORTSMANDA