24 Oras Express: August 8, 2022 [HD]

Смотреть онлайн

Опубликовано: 2022-08-08
Продолжительность: 30:50
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, August 8, 2022:
- Pres. Marcos, binilin sa PNP na kung gagamit ng puwersa ay siguruhing rasonable at makatwiran at kung kinakailangan lang

- DA: Presyo ng puting sibuyas, tumaas sa P380-P400/kg ngayong araw

- Mangangalakal, suspek umano sa pagpatay sa babaeng natagpuang duguan at wala nang saplot sa bangin

- OCTA Research: Posibleng umabot hanggang Pasko ang surge ng COVID-19

- Ilang kumpanya ng langis, may tapyas presyo na P2.20/L sa diesel at P2.10/L sa gasolina; P2.55/L ang bawas sa kerosene

- Singil sa kuryente ng Meralco, may tapyas na P0.2087/kWh ngayong Agosto

- MMDA: Hindi pa tapos ang proyektong pumping station sa Dolomite beach na dadaluyan sana ng baha pa-Manila Bay

- Ilang kaanak, kaibigan, dating nakatrabaho at ilang taga-suporta, dumating sa huling araw ng burol ni dating pangulong Fidel V. Ramos

- VP at Education Sec. Sara Duterte sa ika-55 anibersaryo ng ASEAN: Magkaisa at mamuhunan sa kinabukasan ng mga kabataan

- Ilang magulang, hati ang opinyon sa probisyon ng H.B. 1016 na aalisin sa magulang ang kustodiya ng kaniyang anak na 3 beses lumabag sa curfew

- Sustainability advocacy campaign na layong mapangalagaan ang kalikasan, inilunsad ng GMA Network at Nestlé Philippines

- Walden Bello, inaresto dahil sa kasong cyber libel na inihain ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas
#Nakatutok24Oras